Si Alexis Barton ay labing anim na taong gulang na taga Equador Wizarding World. Isa siyang wizard. Si Julie ang kanyang ina isang napakaganda, kaakit akit na witch at si Hilario naman ang kanyang ama isang matipuno at matapang na wizard. Sila ang kanyang mga magulang at ito ang kanyang mundo na punong puno ng hiwaga, mahika, kapangyarihan at kakaibang mga nilalang. Ang Equador ay nahahati sa anim na kaharian ng mga witches at wizards na kung saan sila ay may kanya kanyang tungkulin at trabahong ginagampanan upang patuloy na maayos at matiwasay ang pagpapatakbo sa mundo ng mahika at salamangka. Ang mga kahariang ito ay tinatawag na;
313Please respect copyright.PENANArlLymBIBuF
"AMICABLE" Sila ang mga witches at wizards na magsasaka, mangingisda,kusinero't kusinera at mga kasambahay o mga mababang uri ng mga wizards at witches na hindi nakapag aral at nakapag tapos dahil sa sobrang kahirapan sa pamumuhay.Ang kanilang tungkulin ay magsaka, magtanim ng mga gulay, prutas, mag alaga ng mga hayop,mangisda sa dagat upang may maibenta at masuplayan ang kailangang pagkain para sa buong Equador. Tungkulin din nila ang pagsilbihan ang sino mang mangangailangan ng katulong at kusinero.Sila ang mga mababait, masisipag, matutulungin at mapagmahal na nilalang. Gumagamit sila ng ibat ibang uri ng charms at spells sa pagtatanim at pangingisda upang mapabilis at mapabuti ang kanilang mga ani at huli.
313Please respect copyright.PENANAKp1CubRxCy
"VELENTE" Sila naman ang mga taga pagtanggol ng mga naapi o mga pulis pang mahika at salamangka.Mga witches at wizards na walang kinatatakutan, inuurungan, mga matatapang at matitibay ang loob. Ang kanilang trabaho't tungkulin ay ipaglaban at ipagtanggol ang mundo ng Equador sa mga maiitim na elemento o mga masasama, makasalanan at mamamatay taong witches at wizards.Kasama din sa tungkulin nila ang magbantay sa bilangguan ng mga wizards at witches na tinatawag nilang Pentagon Jail.
313Please respect copyright.PENANAYD6RSlMUCf
"SALUTARY" Life savers. Yan naman ang tawag sa kanila.Ang kanilang ginagampanang trabaho't tungkulin ay bigyang lunas at gamutin ang mga may sakit,alagaan ang mga matatanda at mahina nang witches at wizards. Nagtratrabaho sila sa mga wizarding hospital na kung saan marami silang alam na potions at healing spells lunas para sa iba't ibang mga sakit.
313Please respect copyright.PENANAOwnZrZsm2i
"PARAGON" Ang mga tinitingala at iniidolo ng karamihan "the beautiful and talented ones" yan ang bansag sa kanila.Magbigay kasiyahan at kaligayahan naman sa mga malulungkot na wizards at witches lalung lalo na sa mga bata ang kanilang tungkulin at trabahong ginagampanan.Sila ay nagtratrabaho sa PAVSIM Entertainment Network.Tungkulin din nila ang magpahayag ng mga balitang pang mahika at salamangka sa buong Equador. Magagaling silang kumanta, sumayaw, magpatawa, umarte,mag modelo at magbigay alam ng mga balita.
313Please respect copyright.PENANAT2uM5oHghE
"INTELLECTUS" Sa madaling salita sila ang mga matatalino.Mga witches at wizards na sobrang magagaling at matatalino o mga genius kung tawagin. Ang kanilang trabaho ay gumawa at magdiskobre ng mga bagong spells, charms, hexes, curses, jinxes at transfiguration. Nagtratrabaho sila sa mga wizarding laboratories.
313Please respect copyright.PENANAzQS5XuCqW4
"MAJESTA" Ang pinakahuli ngunit pinaka makapangyarihang kaharian sa lahat. Sila ang may pinaka maraming populasyon at may pinaka malaking kaharian sa lahat. Sila ang mga witches at wizards na taga patupad ng mga batas na pinaiiral sa buong wizarding world na dapat masunod ng pangkalahatan upang mapabuti at mapaganda ang takbo ng mundo ng Equador. Nanunungkulan at nagtratarabaho sila sa korte suprema at sa kapitolyo kung saan ang Ministro ng buong Equador ay nakaupo sa kanyang pwesto o ang tinatawag nilang the golden house.At ang pinuno ng Majesta ay siya ring ministro ng buong Equador o ang tinatawag din nilang pinuno ng lahat ng mga pinuno.
313Please respect copyright.PENANAk4LKFd09jF
Siyempre, kung mayroong mga mababait na witches at wizards ay meron din namang mga masasama at ganib. Sila ay ang mga magus killers. Mga rebelde kung sila ay tawagin o mga masasamang uri ng witches at wizards. Sila ay kinatatakutan ng karamihan at wala silang ibang alam kundi ang pumatay at manakit ng kapwa. Mayroon silang pinuno, siya si Sinister Maximo.Nakakatakot siya at walang sinuman ang gustong puksain at kayang pigilan ang kanyang mga masasamang plano dahil sa taglay nitong kapangyarihan.Siya ay may asawa si Helena, siya naman ang kanyang kanang kamay.Napakagandang evil witch, sa taglay niyang kagandahan ay napapa ibig niya at napapa ikot ang sino mang gugustuhin niyang wizard. Ang maghari sa buong Equador ay ang kanila nang matagal na minimithi at nais isakatuparan.
313Please respect copyright.PENANAwVUfX4kjfE
Ang mga magulang ni Alexis ay kabilang sa kaharian ng Velente.Ang kanyang ama ay ang pinuno ng buong Velente at ang may pinaka mataas na rangko sa lahat ng mga pulis.Siya ang W.D.G. o Wizarding Director General.
Marami siyang ginagampanang trabaho.Tinitingala at iniidolo siya ng buong Equador dahil sa angking katapangan at galing sa pamamahala. Ang kanya namang ina ay pulis din at may rangko.Isa siyang W.S.I. o Wizarding Senior Inspector.
ns18.191.181.186da2