Ginoong Orasan, paano ko ba papatayin ang lumbay?
Sa bawat kumpas ng iyong kamay, paniguradong may kalansay
Sa tunog ng iyong makina ay isang marcha sa aking kapahamakan
Huwag mo akong madaliin dahil ang utak ko’y di madaling busalan
68Please respect copyright.PENANAQAzyTaasz2
Ginoong Orasan, maari bang tignan mo ang aking katayuan?
Mga Satanas sa loob ko’y hindi na malabanan
Nalulunod ako sa tubig na halos isang baso
At kinabukasan ko’y sa kabaong na puro lilang laso
68Please respect copyright.PENANA1gRlaBRHiN
Ginoong Orasan, may sakit ba ako sa pag-iisip?
Katulad ng sinsabi nila na may pangungutsya na kalakip
Mga bibig na umaandar dahil wala silang kalso
Bakit pa ba ako humihinga kahit walang pulso?
68Please respect copyright.PENANAjRPb050BB9
Ginoong Orasan, ayaw naman nilang makinig sa sasabihin ko
Gagaan ba ang lahat kung sa lubid sasabit ako?
Maganda ba na sunugin ang sarili at kolektahin nila ang aking
abo?
O uminom ng panlinis ng pilak para lasunin ang aking loob?
68Please respect copyright.PENANARGrflVlsRS
Ginoong Orasan, pagod na akong mabuhay
Tila lahat sila ay nawawalan na ng saysay
Pero patuloy akong magsusuot ng maligayang maskara
Para sa pagpanaw ko’y hindi na sila maabala
68Please respect copyright.PENANAkF4Ja2QIL6
Ginoong Orasan, ano ba ang itsura ng kabilang buhay?
Marami akong tanong at dapat ka nang masanay
Gumalaw ka ng makupad para sa aking desisyon
At titigil ako sa aking mga kumbulsyon
ns18.221.140.227da2