
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.278Please respect copyright.PENANAW7goP181MB
278Please respect copyright.PENANAtyKCvL0i98
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...278Please respect copyright.PENANAe4vgs27fE9
278Please respect copyright.PENANAZOIGhrweyg
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.278Please respect copyright.PENANAZJqoCLBJCL
278Please respect copyright.PENANAdGwhQ3sDgO
- - - 278Please respect copyright.PENANAmYkBTptRBD
278Please respect copyright.PENANAZtOsyVh8LC
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.278Please respect copyright.PENANAPpCJa3JU4n
278Please respect copyright.PENANA1DxeKbwi4m
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.278Please respect copyright.PENANAxzX8V3v8cj
278Please respect copyright.PENANA1h3HeMmlPL
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 278Please respect copyright.PENANAwyfTMvIfmN
278Please respect copyright.PENANAXIrYUAY68c
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.278Please respect copyright.PENANA0xdADf7N6p
278Please respect copyright.PENANAnF2E9WfOED
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"278Please respect copyright.PENANA3ArSPuUYMy
278Please respect copyright.PENANAGAd00RFyDS
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.278Please respect copyright.PENANA6cmwmbGmBc
278Please respect copyright.PENANAuyP4zwF7T6
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.278Please respect copyright.PENANAG2cMOBJDw3
278Please respect copyright.PENANAx4BmNU5JY0
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."278Please respect copyright.PENANAvDhKqcdIQR
278Please respect copyright.PENANAeI8m2Gifrs
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.278Please respect copyright.PENANA1isI8mnD7j
278Please respect copyright.PENANAV9pFiwAm3z
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.278Please respect copyright.PENANAsNiyz0Xh77
278Please respect copyright.PENANAHRhO2LZNEK
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.278Please respect copyright.PENANA5Nn6bRdhBq
278Please respect copyright.PENANAz8m23I4eUp
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.278Please respect copyright.PENANAS6tGU56ygW
278Please respect copyright.PENANAi2VcQxKmSP
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.278Please respect copyright.PENANA3fUyhYN5JK
278Please respect copyright.PENANA0U6mSxMLCp
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.278Please respect copyright.PENANAnc1hX1Q07q
278Please respect copyright.PENANA93IpKCFGk7
Huminga nang malalim si Abracosa.278Please respect copyright.PENANAUo9NyKoYsu
278Please respect copyright.PENANAM3QGWegXJI
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.278Please respect copyright.PENANATuAd4yDVoM
278Please respect copyright.PENANAgEVRKKcp8X
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."278Please respect copyright.PENANAR2iz1MsOZX
278Please respect copyright.PENANAww2R3K9b98
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.278Please respect copyright.PENANA1lwjl8rHUa
278Please respect copyright.PENANAr86eVQtH8J
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."278Please respect copyright.PENANAIqsm6I3NnL
278Please respect copyright.PENANAF79hPvqQZE
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"278Please respect copyright.PENANAUFmHw2letl
278Please respect copyright.PENANATKMp7Fzkxv
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."278Please respect copyright.PENANAfiISiNoGMV
278Please respect copyright.PENANAVoQXd48a3S
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"278Please respect copyright.PENANAc8r3QWGEcw
278Please respect copyright.PENANAYYdrK4sowT
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."278Please respect copyright.PENANACDsnBn1hoU
278Please respect copyright.PENANAFN7jv0gBD7
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."278Please respect copyright.PENANAMQzmquJ6et
278Please respect copyright.PENANAwvPA7x4fAC
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."278Please respect copyright.PENANAN4UdlWpbwG
278Please respect copyright.PENANA4GjszzqAWp
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."278Please respect copyright.PENANAyTBE06AZup
278Please respect copyright.PENANAD3UmyszYZn
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."278Please respect copyright.PENANAuqQRAI0jlN
278Please respect copyright.PENANAv1mT0Zu420
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."278Please respect copyright.PENANATLtGUpx3wg
278Please respect copyright.PENANAIfRMFMlplh
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."278Please respect copyright.PENANAGlWLsY2p2h
278Please respect copyright.PENANAUyyEhHDogq
Tumahimik sila nang ilang sandali.278Please respect copyright.PENANAs3XzD8ROaz
278Please respect copyright.PENANA0vXkOYV0Kq
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.278Please respect copyright.PENANA7oPShnxgVh
278Please respect copyright.PENANAWb55xpUgKu
"Handa na akong mamatay para sa bayan."278Please respect copyright.PENANAFL32Lahh3E
278Please respect copyright.PENANAKvdcI0lJzW
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.278Please respect copyright.PENANAEMuACdCHKL
278Please respect copyright.PENANAT5f8dsEiL1
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."278Please respect copyright.PENANAt1ntZ86aSc
278Please respect copyright.PENANAsodDZCVocN
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.278Please respect copyright.PENANAXiEidPCd5n
278Please respect copyright.PENANAyq2JqGXkyJ
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.278Please respect copyright.PENANA2J0UhaBqZm
278Please respect copyright.PENANAbuahlaHqXH
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.278Please respect copyright.PENANArRnP0bzG4g
278Please respect copyright.PENANA8YUVnkHAxz
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”278Please respect copyright.PENANAPnVLYSjYQr
278Please respect copyright.PENANAaGQa7UBjT7
- - - 278Please respect copyright.PENANAljMT2NPPmT
278Please respect copyright.PENANAR4ztDRLczD
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.278Please respect copyright.PENANAMLUvaaYO8f
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.278Please respect copyright.PENANALkyyExhGsh
278Please respect copyright.PENANA9nxjIMbQ9j
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.278Please respect copyright.PENANAo2hq1U5Xez
278Please respect copyright.PENANABGgG8x8sWM
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.278Please respect copyright.PENANAtf8xmsy2t5
278Please respect copyright.PENANAf0fZlIF4PD
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.278Please respect copyright.PENANAISBGHjeQtt
278Please respect copyright.PENANACbBAG3mPnL
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.278Please respect copyright.PENANAeAp8hN3gaT
278Please respect copyright.PENANAlrIikjFw8e
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”278Please respect copyright.PENANA50x9tormbY
278Please respect copyright.PENANAAoFZROZwpT
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.278Please respect copyright.PENANACsv2FrRX6n
278Please respect copyright.PENANAQWhNg8u8YQ
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.278Please respect copyright.PENANAyc3PqCF0NQ
278Please respect copyright.PENANADDWmLChCJt
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.278Please respect copyright.PENANAcC5rjHjPu5
278Please respect copyright.PENANAak8NQ3jJW9
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.278Please respect copyright.PENANAIh7lCA7JeH
278Please respect copyright.PENANA0FD9Tn6fcK
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”278Please respect copyright.PENANAuNzesNkyHi
278Please respect copyright.PENANAM8chXM80as
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.278Please respect copyright.PENANAMgdk7TTJyr
278Please respect copyright.PENANA9MWicsFVmx
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.278Please respect copyright.PENANAHmLokGEqlg
278Please respect copyright.PENANAwHwpElzX3h
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”278Please respect copyright.PENANAD7SWRIQgvX
278Please respect copyright.PENANAnOUeU9raVx
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”278Please respect copyright.PENANAxo2ylpVDu2
278Please respect copyright.PENANAIQ4T6QAJ17
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.278Please respect copyright.PENANAafBwZjkQDD
278Please respect copyright.PENANAZHi8xK3Iyh
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?278Please respect copyright.PENANA6Xwfbg56cN
278Please respect copyright.PENANAIiQBvDFhzC
- - - 278Please respect copyright.PENANAOwTdwvA9yJ
278Please respect copyright.PENANAPQciepSAb4
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.278Please respect copyright.PENANAzAGnnmcyZR
278Please respect copyright.PENANAjaf1cv6tzr
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.278Please respect copyright.PENANAeLPv3ZpPD6
278Please respect copyright.PENANA0CbkYX4blo
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.278Please respect copyright.PENANA0O48QkyuD2
278Please respect copyright.PENANAk7IYJiRiuw
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.278Please respect copyright.PENANAkzwa70zOp0
278Please respect copyright.PENANA1YvYgY2dwi
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"278Please respect copyright.PENANA34lFAoJdet
278Please respect copyright.PENANAcseIwWJuzs
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."278Please respect copyright.PENANAvMySrWb5Oh
278Please respect copyright.PENANAXx22W3ecEF
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.278Please respect copyright.PENANAv0yaDqbHL6
278Please respect copyright.PENANADmkNNVh747
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."278Please respect copyright.PENANA1cUf3YTrgE
278Please respect copyright.PENANA5gW2Mmz7fM
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"278Please respect copyright.PENANAuMWUG8g3Ky
278Please respect copyright.PENANApOzTz0XNQB
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."278Please respect copyright.PENANAdoyzC3oWHg
278Please respect copyright.PENANA3Zib4GcH5a
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."278Please respect copyright.PENANAfmzHbUpBWr
278Please respect copyright.PENANA5nbSUG4vjj
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."278Please respect copyright.PENANAINSZ6bQmFK
278Please respect copyright.PENANAXEELMWb6l8
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.278Please respect copyright.PENANA1kKA8xcpbI
278Please respect copyright.PENANApV32MmFQxr
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.278Please respect copyright.PENANAj2xVgG616j
278Please respect copyright.PENANArvnEDpPW02
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.278Please respect copyright.PENANAU2BGNzfAq5
278Please respect copyright.PENANA8QPSmXfNc5
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."278Please respect copyright.PENANAfCg9y1BR5P
278Please respect copyright.PENANAEYfUcPUCM4
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."278Please respect copyright.PENANAJkqrVK7nxD
278Please respect copyright.PENANA0OpmcxbUwx
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."278Please respect copyright.PENANA7Nhb3WOqL3
278Please respect copyright.PENANAEJ7ayJK7mK
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.278Please respect copyright.PENANAfpioK3OqxZ
278Please respect copyright.PENANAOSqrh7LTnq
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.278Please respect copyright.PENANA26WiaFLkwk
278Please respect copyright.PENANAmAY67sgMdn
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.278Please respect copyright.PENANA2ZWIraxokp
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…278Please respect copyright.PENANAGTMwJtfZmm
278Please respect copyright.PENANAbws6Wbg14M
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.278Please respect copyright.PENANAsJlrhtpX07
278Please respect copyright.PENANAq7mBh1kTzz
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.278Please respect copyright.PENANAF7HHamFI0D
278Please respect copyright.PENANADAoNtZ32kZ
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.278Please respect copyright.PENANAWWw31RSDbO
278Please respect copyright.PENANAA8T7RnA5Yp
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”278Please respect copyright.PENANARKLf4h7CAK
278Please respect copyright.PENANA4S5gQQsixt
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.278Please respect copyright.PENANA69lHo1PMRv
278Please respect copyright.PENANASYv57cb8ua
“Patawad, mahal.”278Please respect copyright.PENANAPphC8UvcDY
278Please respect copyright.PENANAKwR5q2sq5K
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”278Please respect copyright.PENANArk9DfjBQ5D
278Please respect copyright.PENANARipMo0wcCo
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.278Please respect copyright.PENANA77p2B9iwMO
278Please respect copyright.PENANApPBi7Y5ZSp
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”278Please respect copyright.PENANAS9R45NHPMP
278Please respect copyright.PENANAnuI0SnT4jZ
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.278Please respect copyright.PENANAln15wy57gn
278Please respect copyright.PENANAWH4xNQxfEk
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.278Please respect copyright.PENANAc6lIjXITrC
278Please respect copyright.PENANAd3KGIomzzO
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”278Please respect copyright.PENANAs06QdgC2Wv
278Please respect copyright.PENANAOOwMNclkIw
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"278Please respect copyright.PENANAzqtlmflUJd
278Please respect copyright.PENANArUs5sH0bD0
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.278Please respect copyright.PENANA5WrrWp6LM6
278Please respect copyright.PENANA2c1qeYkBPn
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.278Please respect copyright.PENANAe2FQ4llRNn
278Please respect copyright.PENANAIxdXDVX8D6
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."278Please respect copyright.PENANAE2LPYHcJY8
278Please respect copyright.PENANAqrI7gYkayr
- - - 278Please respect copyright.PENANA4UPlskPPZW
278Please respect copyright.PENANABdDEQ0mwwA
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.278Please respect copyright.PENANArEQ6iyg0ym
278Please respect copyright.PENANAEmh1joEzLv
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.278Please respect copyright.PENANAInH3ubN9td
278Please respect copyright.PENANAhVs8TKxZMr
Ngunit hindi siya makalabas.278Please respect copyright.PENANAggO3h3fNfU
278Please respect copyright.PENANA9eWGDWXxE8
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.278Please respect copyright.PENANA3fsMyM6o07
278Please respect copyright.PENANAXhkfUC01mv
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.278Please respect copyright.PENANA8879mTEHd9
278Please respect copyright.PENANAjA336TS0eX
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.278Please respect copyright.PENANAKcbRBmbOi8
278Please respect copyright.PENANACB2q7FsMR6
Nandito na ang Teccao.278Please respect copyright.PENANA4zMGBIDwgW
278Please respect copyright.PENANADSsLoeyV1G
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.278Please respect copyright.PENANAMips6Lu9j2
278Please respect copyright.PENANATCHew5gyKU
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.278Please respect copyright.PENANASbTg0dMBxd
278Please respect copyright.PENANAcRmdRJxRmI
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.278Please respect copyright.PENANARzrhx31nbL
278Please respect copyright.PENANAr3bdOZXUHg
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.278Please respect copyright.PENANAxvbIX6k2Oj
278Please respect copyright.PENANA7or9KvFTTl
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 278Please respect copyright.PENANA9oC9MwzF5F
278Please respect copyright.PENANA5UfK87g4x6
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"278Please respect copyright.PENANAX7qq9CIPQI
278Please respect copyright.PENANAxffY6Vm5pj
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”278Please respect copyright.PENANAFkwtx3yorj
278Please respect copyright.PENANAqWxZJkxXDw
“Naiintindihan kita, Tydel.”278Please respect copyright.PENANAQGZsUntzmF
278Please respect copyright.PENANA2DrdveM8lt
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.278Please respect copyright.PENANAEJrKoGleRk
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”278Please respect copyright.PENANAY7vQ1LdCfx
278Please respect copyright.PENANAdaYZVBrMKb
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”278Please respect copyright.PENANAYiFD854gD3
278Please respect copyright.PENANA3xgJFeCB0h
“Paano, pa?”278Please respect copyright.PENANAi3pnkgUKxo
278Please respect copyright.PENANAe37uo6xFsW
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 278Please respect copyright.PENANAIk2z9LaAEI
278Please respect copyright.PENANAkch5wuNJHz
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.278Please respect copyright.PENANApDfhDrFCkz
278Please respect copyright.PENANAZrl7cyREac
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.278Please respect copyright.PENANAK658qOi8J5
278Please respect copyright.PENANAqOYYOMVjIO
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”278Please respect copyright.PENANAF1U3GOY8oL
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.278Please respect copyright.PENANAFpfFjmmTtc
278Please respect copyright.PENANAYZTylCJdAT
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”278Please respect copyright.PENANAM6Jfj7ysBZ
278Please respect copyright.PENANAoq0Fzq2GdF
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”278Please respect copyright.PENANAhIFluQ576k
278Please respect copyright.PENANAOXhWgwcX3p
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”278Please respect copyright.PENANADPu1HwnybS
278Please respect copyright.PENANAad2W3tp1it
“Papa…” iyak ni Tydel.278Please respect copyright.PENANApkX3K3uGX3
278Please respect copyright.PENANA3JVv6JxDxh
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.278Please respect copyright.PENANANcbdd1W4jw
278Please respect copyright.PENANAzOH1VkhGTV
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”278Please respect copyright.PENANAXO09KheWVN
278Please respect copyright.PENANAgTiCTFqDRX
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”278Please respect copyright.PENANAS9QhTHD6lR
278Please respect copyright.PENANApWc4H2OCYC
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”278Please respect copyright.PENANAMTXEuQ6Ogx
278Please respect copyright.PENANAHFfKN0TKYp
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.278Please respect copyright.PENANAbct92NJ76k
278Please respect copyright.PENANAdd0z9je98e
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?278Please respect copyright.PENANA590uFI2L5E
278Please respect copyright.PENANAyny4RdOQBP
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.278Please respect copyright.PENANAMKuAqA2S6o
278Please respect copyright.PENANAuOp8UUJsAH
- - - 278Please respect copyright.PENANAwq0lmVeSgL
278Please respect copyright.PENANAHL437SAMPS
"Patay na ang hari." 278Please respect copyright.PENANAhiCDNf8OcJ
278Please respect copyright.PENANA9moDTgiUZa
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.278Please respect copyright.PENANA3zmfNve9id
278Please respect copyright.PENANAAw3mrAjYdF
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.278Please respect copyright.PENANAPm2AdEjYEP
278Please respect copyright.PENANAHtk5MBUibN
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.278Please respect copyright.PENANAl6f1FM3i8B
278Please respect copyright.PENANAUlHPD03rii
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 278Please respect copyright.PENANABq4CANj5uf
278Please respect copyright.PENANAbmV5vyHI0r
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.278Please respect copyright.PENANAhipdAJuusf
278Please respect copyright.PENANAFs7DARgdcm
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.278Please respect copyright.PENANAmkDjOuRtA2
278Please respect copyright.PENANAxtNToiTKHw
"Ama… Mag-ingat rin kayo."278Please respect copyright.PENANAHGphfoNJZy
278Please respect copyright.PENANAZ5Tdimcund
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."278Please respect copyright.PENANA8HSTwazp9Y
278Please respect copyright.PENANApaKuFc3ntO
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.278Please respect copyright.PENANA55oeEiEPHd
278Please respect copyright.PENANA9a9aptDvux
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."278Please respect copyright.PENANAHQeS5O3IR5
278Please respect copyright.PENANAivMbxCEJUs
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.278Please respect copyright.PENANAnOixxgsWmN
278Please respect copyright.PENANAWZhlVSx9iI
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."278Please respect copyright.PENANAjmkXO71uty
278Please respect copyright.PENANA0DXTHN8PrV
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."278Please respect copyright.PENANA8kW7ruxL6c
278Please respect copyright.PENANArm1HIc34Hw
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.278Please respect copyright.PENANAjEYkB28dpr
278Please respect copyright.PENANAj9ZBjBSCie
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.278Please respect copyright.PENANApDNBBc57iK
278Please respect copyright.PENANAk3rl93tWzK
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.278Please respect copyright.PENANAP9eTxiqhb1
278Please respect copyright.PENANAExkGIsJSfH
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.278Please respect copyright.PENANAw1Ommq5S0K
278Please respect copyright.PENANATjViJZOwVj
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.278Please respect copyright.PENANAYTj3ZeezTl
278Please respect copyright.PENANAJpQsuWV7f9
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?278Please respect copyright.PENANAhVLHOwBW3X
278Please respect copyright.PENANAKQIKkbn88i
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.278Please respect copyright.PENANATDiT6sV9Vx
278Please respect copyright.PENANA6gwcDQrVdB
"Paalam, Midnia."278Please respect copyright.PENANAxkHlw87INw
278Please respect copyright.PENANAWmotyRNsKY
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.278Please respect copyright.PENANAb2jr2Flfd7
278Please respect copyright.PENANAOafJmKJK6C