Warning!351Please respect copyright.PENANAHcsq4GQpsf
This story contains themes and scenes about suicide and violence such as verbal, emotional, and physical abuse. If you think your mental health can be affected, please refrain from reading my story. You have been warned! Read at your own risk.351Please respect copyright.PENANA8xFZZFll1L
This is still raw and unedited. So expect grammatical and typographical errors along the way. Beware of foul words as well.351Please respect copyright.PENANA1Uhanzp4aP
Thank you!351Please respect copyright.PENANAQQ4xoOW1YB
|351Please respect copyright.PENANAIprx4IGWfd
👽351Please respect copyright.PENANAgcsVQPXJOx
351Please respect copyright.PENANAXB7zWfRJXl
Taong 1900's351Please respect copyright.PENANA2luwzfkwvw
351Please respect copyright.PENANAUqXtSUdEjv
Maulan na hapon ang bumuhos sa kaninang maaliwalas na tanghali.351Please respect copyright.PENANAoxWooVyLi8
351Please respect copyright.PENANAmMZphHOIX4
Maya't maya ay kukulog at susundan naman nang mabibilis at matutulis na kidlat. Malamig at malakas ang hangin na mula sa silangan. Bumabagyo man ang panahon, maraming tao pa din ang nasa kalye. May mga naglalakad na tila namamasyal lang sa parke. May iba namang animo'y nakikipag-unahan sa bawat patak ng ulan.351Please respect copyright.PENANAZe9QlzGM6n
351Please respect copyright.PENANAVWyNMeMOpN
Tulad ng iba, nagmamadali din si Herne na makarating sa kanyang pupuntahan. Yakap ang maduming manikang kuneho, hindi niya alintana ang panganib na dala ng panahon. Balot siya ngayon ng kapoteng itim, na sobrang laki para sa kanyang maliit at payat na katawan.351Please respect copyright.PENANADKTImgLubo
351Please respect copyright.PENANAPQSfffciPf
*"Sana nandoon pa siya,"* bulong niya sa sarili at saka hinipan ang dalawang palad na kanina pa namumutla. Namumula na ang kanyang noo at pisngi habang buhat ang mga balikat sa bawat paghinga. Gaano na ba katagal siyang tumatakbo? Anong oras na? Kailangan ay nakauwi na siya bago sumapit ang gabi. Hindi dapat malaman ng kanyang kuya na umalis siya ng bahay.351Please respect copyright.PENANAwNRc2WWJsK
351Please respect copyright.PENANAN72xcVhxMP
"Pisting bata 'to! Hoy!"351Please respect copyright.PENANA6PNixU03S2
351Please respect copyright.PENANA75snYJJltn
Nanginginig na bumangon si Herne mula sa pagkakadapa at nilingon ang pinagmulan ng boses. Umupo siya at napayakap nang mahigpit kay Kirarin nang makita ang halimaw sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang tumayo.351Please respect copyright.PENANAq5ktQMVGkM
351Please respect copyright.PENANA7q5ZX7Hvhm
Kaaya-aya naman ang pananamit ng matabang ale, kaso napakatapang ng hitsura nito. Makapal ang suot niyang make-up, magkasalubong ang mga kilay, masama ang tingin, at may malaking nunal pa sa gilid ng kaliwang butas ng kanyang ilong.351Please respect copyright.PENANAL7wsJopC0G
351Please respect copyright.PENANA0aQyZtrA5M
"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinuro ng ale ang lugar sa kanyang paanan. Nakakalat na ngayon sa tabing kalsada ang kanyang mga pinamili. Matulin ang takbo ni Herne kanina at hindi niya napansin na may masasagi siya.351Please respect copyright.PENANALug4y0VJCQ
351Please respect copyright.PENANAhMDXOq83De
"Perwisyo kang bata ka!" Mariing napapikit si Herne nang biglang sipain ng ale ang basang sahig. Tumalsik ang mga putik sa suot niyang kapote.351Please respect copyright.PENANAPSan6aaUM8
351Please respect copyright.PENANATNCdPZkP2g
"P-Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!" mangiyak-ngiyak niyang paumanhin.351Please respect copyright.PENANAptWMXWkbCU
351Please respect copyright.PENANAXtlkzPENDw
Imbis na maawa o magpatawad, mas lalo lamang nainis ang ale. Napisil nito ang hawakan ng pulang payong nang makitang pinupulot na ng bata ang kanyang mga pinamili. Yumuko siya at hinablot ang mga iyon.351Please respect copyright.PENANAqGaWlDtnQP
351Please respect copyright.PENANAQftoI65hTS
"Umalis ka na! Baka may ibulsa ka pa!" Isa-isang binawi ng ale ang kanyang mga hawak. "Kunwari madadapa, iyon pala may nakakawin. Punyeta! Akala mo hindi ko alam mga galawan ninyo na ganyan?!"351Please respect copyright.PENANAPfUNcUklN8
351Please respect copyright.PENANAIiE4ayumt6
Napalunok nang mapait si Herne. Pinanganak siyang mahirap, pero hindi niya ni minsan naisip magnakaw. Kahit sa ano pang paraan.351Please respect copyright.PENANAPw0h8zRqmD
351Please respect copyright.PENANAajvkevxBck
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan! Alis na! Baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis?!" Sumikip ang dibdib niya at tumindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang salitang 'pulis.' Sumagi kaagad sa isipan ni Herne ang kuya at ang kaligtasan nito. *Sana ayos ka lang, Kuya!*351Please respect copyright.PENANAanoXLx8wTB
351Please respect copyright.PENANAt6zIRrsVSx
Tulad ng pusang hinahabol ng malaking aso, dali-dali siyang umalis sa harapan ng ale habang pinagtitinginan siya ng maraming tao. Hindi niya napigilang maiyak dala ng emosyon at takot na baka tumawag nga ng pulis ang ale. Bagama't sanay na sa ganitong trato, hindi maikakailang siyam na taon pa lamang siya. Sanay man pero hindi ibig sabihin, hindi na siya masasaktan.351Please respect copyright.PENANA2XG7kegKzF
351Please respect copyright.PENANAMBCSNInmLV
Kumatok si Herne sa pinto at nagtanong kung may tao ba sa bahay.351Please respect copyright.PENANAiwk0Ilzh9s
351Please respect copyright.PENANAJPwjPdZ0JX
Luma at maliit lamang ang kubo na ito na matatagpuan ilang kilometro ang layo mula sa kanilang bayan. Sinasabing dito daw nakatira ang magaling na albularyo.351Please respect copyright.PENANAQO4JoBtHTK
351Please respect copyright.PENANAchLKqtdFK8
Kwento pa ng mga tsimosa, gumagamit daw ito ng kakaibang mahika sa kanyang panggagamot. Ang albularyo lang naman ang laman ng mga kwentuhan ng kanilang mga kapit-bahay. Nakauwi na ito mula sa mahabang paglalakbay. Nakaugalian na daw kasi ng albularyo na maglakbay at ilang buwan pa bago muli itong babalik.351Please respect copyright.PENANAZHSU1r76pN
351Please respect copyright.PENANAlBYkgWlOBN
Kumatok ulit si Herne at muling tumawag. Ngunit tulad kanina, tanging buhos ng ulan lamang ang sumagot sa kanya. Nilingon niya ang buong paligid, nagbabasakaling may makita siyang tao, o iyong albularyo.351Please respect copyright.PENANAjzbgS32o2T
351Please respect copyright.PENANAN7ZdIbc324
Sa tapat ng bahay matatagpuan ang rumaragasang ilog at sa itaas naman ang sementadong tulay. Ito ang nagdudugtong sa kanilang bayan patungo sa kasunod pang bayan ilang kilometro ang layo mula dito.351Please respect copyright.PENANAefq6PKfWf5
351Please respect copyright.PENANATBwculIV7M
Patuloy lamang ang pagsama ng panahon. Kahit sariling katawan niya ay hirap ng bigyan siya ng sapat na init. Kanina pa mabigat ang kanyang pakiramdam na kanyang tinitiis. Oras na ba para sumuko na lamang at kalimutan ang kanyang pinunta dito?351Please respect copyright.PENANAmzPUwopzCn
351Please respect copyright.PENANA8HMCV2GWxN
*Hindi pwede! Kailangan kong makita ang albularyo! Baka natutulog lang siya! Lalaksan ko na lamang ang mga katok ko at sigaw!*351Please respect copyright.PENANAWJoomhaAAj
351Please respect copyright.PENANAiHY0nHzOa5
Malakas ang ispirito, ngunit mahina ang katawan ng tao. Hindi na ganoon kalakas ang kanyang bawat bigkas. Paos na siya at mahina na kaysa sa normal niyang boses. Subalit, walang makapipigil sa kanya.351Please respect copyright.PENANA7ZUXRDUh9f
351Please respect copyright.PENANAG8RBoUrwur
"Tao po! May tao po ba dito?! Tao po! Tao po!" Kinakalampag na niya ang pinto na para bang nakadepende dito ang kanyang buhay.351Please respect copyright.PENANAqTmlcOVpEL
351Please respect copyright.PENANAQ7TATqUbwe
Hindi niya namamalayan, may isang pares ng paa ang humakbang papalapit sa kanyang likuran. Tumigil ito ilang metro ang layo nang mapansin ang kanyang presensya.351Please respect copyright.PENANAEco3Vfg742
351Please respect copyright.PENANAe2O3ugfCuV
"Hoy! Luma na 'yan, sisirain mo pa! May pambayad ka ba para diyan?!"351Please respect copyright.PENANAknl7T57d55
351Please respect copyright.PENANA6LiSGO6nex
Napaigtad at napahinto si Herne sa lakas ng boses na narinig. Napa-atras siya at nilingon ang nagsalita. Bumungad sa kanya ang mga nanlilisik na titig ng isang matanda.351Please respect copyright.PENANAIUJlIYcyHZ
351Please respect copyright.PENANAnp9SVWbeqp
Maputla at kulubot na ang balat ng lolo. Maputi na din ang kanyang mga buhok mula sa kilay hanggang sa kanyang mahaba at makapal na balbas. Nakabalot ito ng kapoteng itim. Ngunit hindi tulad niya, tamang-tama lamang sa matanda ang sukat nito. Paika-ika itong lumapit sa kanya at sa pinto ng bahay.351Please respect copyright.PENANAKG9dJbn1RZ
351Please respect copyright.PENANAn51Zf7dWhu
"Wala akong panahon para sa mga bata. Umalis ka na!" ani ng matanda. Pero hindi nagpatinag sa kanyang takot si Herne. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, yakap si Kirarin. Dinig niya mula dito ang kalansing ng bakal. Ngayon lamang niya napansin na nakakandado pala ang pinto.351Please respect copyright.PENANAT7WFFcTQVj
351Please respect copyright.PENANAVe6AtI2yjk
Tumapak na papasok ang lolo at akmang susunod sana si Herne nang harangin siya bigla. Naka-abang ang isang braso nito sa harapan niya. Muling napa-atras si Herne. "Anong kailangan mo? Bingi ka ba?"351Please respect copyright.PENANAtnP3bQL4En
351Please respect copyright.PENANA9XaTVKDO0l
Tumama ang kanilang mga mata at napagmasdan ng lolo ang hitsura ng bata. Walang tigil ang panginginig nito sa kanyang harapan, habang yakap ang asul na manikang kuneho. Sa kabila ng pamumula ng pisngi at noo dala ng malamig na panahon, hindi maitatago ang kakaibang pamumutla ng balat ng bata. Maski ang labi nito ay namumuti na din.351Please respect copyright.PENANAFW0v0ypJdP
351Please respect copyright.PENANAl6X8Ku2AK7
"May sakit ka." Hindi iyon isang tanong, bagkus isang kumpirmasyon.351Please respect copyright.PENANAOg6J63UuXY
351Please respect copyright.PENANA4Vlm3bYWqH
Tumango si Herne. "P-Paano niyo po nalaman?"351Please respect copyright.PENANAWISu5YqhOI
351Please respect copyright.PENANAFT8jjLIgXi
"Pumasok ka." Binuksan na nang husto ng lolo ang pinto para makapasok siya.351Please respect copyright.PENANADMyBf7OtlK
351Please respect copyright.PENANATRH8xuM3sX
"Kayo na po ba ang albularyo?"351Please respect copyright.PENANAJoIrbUJYVp
351Please respect copyright.PENANAYFfMznt2B4
"Isabit mo ang iyong kapote at umupo ka malapit sa apoy," utos ng matanda matapos niyang sindihan ang kanyang malaking dapugan. Hindi niya sinagot ang tanong, bagkus iniwan niya si Herne sa tapat noon.351Please respect copyright.PENANAHYC9IQz03Y
351Please respect copyright.PENANA742Qy1TiWy
Walang imik na sinunod naman ni Herne ang kanyang utos. Sandali lang ay dumating na siya dala ang isang upuang yari sa kahoy at tuyong tuwalya.351Please respect copyright.PENANA2a0Jp108Zb
351Please respect copyright.PENANA3rY3c7Jf10
Umupo sa upuan si Herne at saka pinunasan ang basang katawan gamit ang tuwalyang inabot nito sa kanya.351Please respect copyright.PENANA2vanfErrfe
351Please respect copyright.PENANAn8l4zzJ1BE
"Batid kong malubha na ang iyong karamdaman. Hindi ko alam kung matutulungan pa kita." Tila isang daang kutsilyo ang muling sumaksak sa kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang mga braso at nanigas ang kanyang panga. Mapait siyang napalunok, pinipigilan ang mga luha. Ito na talaga ang katotohanan, hindi na siya makakatakas pa sa tawag ng kamatayan.351Please respect copyright.PENANATY9uoUl7Ds
351Please respect copyright.PENANAlgGrrj8nso
*Pero si Kuya!*351Please respect copyright.PENANACF3gHKMEPd
351Please respect copyright.PENANAcPF4YvhvkI
Nabuhayan siya ng loob nang maalala ang nakatatandang kapatid. May pag-asa pa para sa kanyang kuya. Naniniwala siya.351Please respect copyright.PENANAaE56HqWBII
351Please respect copyright.PENANA6Ls7uvPkEV
"Ang kuya ko po! Gusto ko pong pagalingin ninyo ang kuya ko!" Nagmamaka-awa ang kanyang boses. Nakita niya ang albularyo sa lamesa nito, abala sa ginagawa.351Please respect copyright.PENANAfBHDHkoSbk
351Please respect copyright.PENANAsX0feyRSt8
"Wala po siyang karamdaman, subalit . . . " Napasilip sa kanya ang matanda nang bigla na lamang siya tumigil. Nakita siya nitong nakayuko at niyukom ang mga kamay hawak ang puting tuwalya sa itaas ng kanyang mga hita.351Please respect copyright.PENANANFCu2dkMF9
351Please respect copyright.PENANA4fbeBSxN4S
"Hm, bakit?"351Please respect copyright.PENANAnKc0AGrcoO
351Please respect copyright.PENANAPq8gZ2GwaI
Umiling-iling siya at suminghot. "Hindi ko po alam, pero natatakot na ako kapag kasama ko siya. Lalo na kapag hawak niya ang kutsilyo. Tumatawa siya ng mag-isa at minsan kinakausap niya pa ang sarili."351Please respect copyright.PENANA5SX2Dv1DTz
351Please respect copyright.PENANAx1ZyfHzjJH
Nanatiling tahimik lang ang matanda. Nakikinig.351Please respect copyright.PENANAs6YmF8wquz
351Please respect copyright.PENANAgpGdsQ4erZ
"Gabi na siya umuwi at lagi siyang may dala. Kung hindi pagkain, minsan naman pera. Masama po ang kutob ko, may mali sa kanya. Sana po matulungan ninyo ako!"351Please respect copyright.PENANAWqJGwclMkE
351Please respect copyright.PENANACisYoLXA02
Lumapit si Herne sa lamesa at muling nagmaka-awa. Nilapag niya sa harapan ng lolo ang isang maliit na bag. Kumilansing pa ang laman nito sa tablang mesa.351Please respect copyright.PENANAgJg7ngYDL7
351Please respect copyright.PENANAIclgE6qmbN
"Sana po ay sapat na ito pambayad."351Please respect copyright.PENANALsQ8934Qfe
351Please respect copyright.PENANAvQPPIFXV1L
Kinuha ng matanda ang bag at saka sinilip ang loob. Halo-halong barya at perang papel ang laman nito. Nagpasalit-salit ang kanyang tingin sa batang babae at sa pera.351Please respect copyright.PENANAPl4wkshBUL
351Please respect copyright.PENANAfAJZz1I9F9
"Sabihin mo nga, alam ba ng kuya mo-"351Please respect copyright.PENANAyoLgY96yNO
351Please respect copyright.PENANAo1NdRFtvIl
"Hindi niya dapat malaman!" Napasinghap si Herne nang marinig niya ang kanyang sarili. Gulat na napatitig sa kanya ang lolo dahilan para mapayuko siya sa hiya.351Please respect copyright.PENANAoWz4icauKT
351Please respect copyright.PENANAX4IiCDKisn
"Ayaw ko malaman ni Kuya." Sandaling napakagat siya sa labi. Ngayon, kalmado na ang kanyang boses. "Alam kong magagalit siya sa akin 'pag nalaman niyang . . . pinag-iisipan ko siya ng masama. Pero, para din po ito sa kanya!"351Please respect copyright.PENANAVQ3rPgvPqz
351Please respect copyright.PENANAN9S9HZGmll
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ni Herne ang pagkilos ng lolo. Inangat niya ang ulo at nakita niya ang bag na kanyang binigay kanina. Sinasauli ito ng lolo.351Please respect copyright.PENANAltuPBDkzAo
351Please respect copyright.PENANANJPg46AzWZ
"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi niya ba siya tutulungan?351Please respect copyright.PENANAmZr37QpJ2A
351Please respect copyright.PENANAxvakYIbudZ
"Pero-" Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Herne. Seryoso at malamig ang tingin ng matanda sa kanya.351Please respect copyright.PENANA6OdhBhomEI
351Please respect copyright.PENANA9D8rgxrtL3
"Bago ang lahat, akala ko ba naparito ka para sa iyong karamdaman. Subalit, heto ka, humihingi ng tulong para sa kapatid mong alam mo ay wala namang sakit. Sa tingin mo ba ay matutulungan kita?"351Please respect copyright.PENANAO3KuqqBsHd
351Please respect copyright.PENANAw2WdNfijxf
Humigop ng lakas si Herne. Wala na siyang matatakbuhan. Ito na lang ang kanyang huling pag-asa. Hindi siya susuko. Hindi siya uuwi. Niyukom niya ang mga kamay at binagsak sa taas ng lamesa.351Please respect copyright.PENANASfxkTROTRj
351Please respect copyright.PENANA7APaooS7SX
"Sabi daw po kaya niyo magpagaling gamit ang mahika! Kahit kwentong-kalye lang iyon, naniniwala po ako!"351Please respect copyright.PENANAldS7C4MUhP
351Please respect copyright.PENANAdAdJbx7NFy
"Hindi ba dapat, mas ikaw pa ang nangangailangan ng mahika kaysa sa kuya mo? Ganoon na lamang ba ang takot mo sa kanya at gusto mo siyang magbago?351Please respect copyright.PENANAhCbEQpiaHe
351Please respect copyright.PENANAKtuXuRWs1f
"Ayaw ko po siya magbago." Mariing napailing si Herne. Nagbabadya na ang kanyang mga luha. "Gusto ko po siyang gumaling!"351Please respect copyright.PENANAR59GlDBVZH
351Please respect copyright.PENANA9WXAB2PHgT
"Ikaw na din ang may sabing wala siyang sakit. Hindi ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, iha. May sakit ba ang kuya mo o wala? Nababaliw na ba siya o hindi? Siya pa rin ba ang kuya mo, o nagbago na siya ng pagkatao? Sabihin mo sa akin, nang maliwanagan ako."351Please respect copyright.PENANARhZSXxfiA4
351Please respect copyright.PENANAMOjV3JWmzi
Kahit sa lamig ng panahon, hindi ito umobra sa init ng hangin sa pagitan ni Herne at ng matanda. Tumulo na ang mga luha ng bata.351Please respect copyright.PENANAzz2YlT2art
351Please respect copyright.PENANAHycprSGS6X
"H-Hindi na po siya ang kuya ko. Gusto ko pong bumalik siya sa dati!" Tuluyan nang nagpakawala ng isang malakas na hagulhol si Herne. Mga emosyon ito na naghalo-halo na at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ilabas lahat.351Please respect copyright.PENANAHpGNpuQ5BF
351Please respect copyright.PENANAx5KyltQ8mj
"Mabuti. Tama 'yan. Ngayon, matutulungan na kita." Tumayo sa kanyang kinauupuan ang lolo at nilahad ang isang kamay sa harap niya. "May gamit ka ba diyan na pagmamay-ari mo?"351Please respect copyright.PENANAvpXItmkeZv
351Please respect copyright.PENANAUSpIsThIz1
Suminghot siya at nagpunas ng mga luha. Pinakita niya ang pinakmamahal na manikang kuneho. "Si Kirarin po?"351Please respect copyright.PENANA4nQOPoMZIZ
351Please respect copyright.PENANArQrBcX585Z
"Pwede na 'yan."351Please respect copyright.PENANAIxLbO0Fr2k
351Please respect copyright.PENANAVQHf1BSzqF
Hindi nagtagal, pinauwi na ng albularyo si Herne. Lumabas siya ng bahay nito suot ang kanyang mahabang kapote, bitbit pa ang bag na laman ng pera.351Please respect copyright.PENANANEHwCKavmD
351Please respect copyright.PENANA18xMOxzmJI
Isang hakbang pa lamang siya palayo sa pinto nang mapahinto siya. Nilingon niya ito at saka huminga nang malalim. *Wala ng atrasan!* Pinunasan na niya ang mga natirang luha gamit ang palad.351Please respect copyright.PENANAECcKkI9n4P
351Please respect copyright.PENANAkIAsIRGS8P
Tumungo na siya paalis, dala ang pag-asang matutupad din ang matagal na niyang nais. Muli niyang sinuong ang masungit na panahon ng mag-isa.351Please respect copyright.PENANAQKLa5FE733
351Please respect copyright.PENANAtDaNa6Av0n
Kahit pa masalimuot ang naging kahapon, hindi imposibleng maging mabuti ang kalalabasan ng bukas. Lahat posibleng mangyari. Walang imposible. Ganoon pa man, hwag din kakalimutan ang pagdating ng mga bagay na hindi inaasahan. Nasa huli ang pagsisisi.351Please respect copyright.PENANARF7WXYWW9k
351Please respect copyright.PENANAHi0yQOsBdp
Ito ang laging umiikot sa kanyang isipan, lalo na noong naging ulila na sila ng kapatid.351Please respect copyright.PENANA8AFfRHjrPx
351Please respect copyright.PENANArEW5DXGIdY
Batid niya ang lubha ng karamdaman nito. Kahit hindi man ito nagkukwento sa kanya, hindi nagsisinungaling ang mga mata at maging ang mga kinikilos nito.351Please respect copyright.PENANA8FFbXcZQbw
351Please respect copyright.PENANABMVe0aICP4
Alam niyang darating ang araw na iiwan na siya ng kapatid, pero hindi niya inaasahang ngayon na ang araw na iyon.351Please respect copyright.PENANAc7xrYsrH09
351Please respect copyright.PENANAT7CiJscsCB
Hindi siya nakapaghanda. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Hindi man lang siya nito hinintay.351Please respect copyright.PENANAbc37EpFqr4
351Please respect copyright.PENANAIBt13lDdrC
"Pasensya ka na, Herne." Lumuhod siya sa harap ng puntod ng kapatid na siya lang ang gumawa. 351Please respect copyright.PENANAlNY6AtXlmn
351Please respect copyright.PENANAgxzR4bZeEQ
Binalot niya lang sa kumot ang mga labi ng kapatid. Hinukayan ng malilibingan sa lupa, at saka tinabunan ng putik. Lupang tuyo sana ito, kung hindi lang naisip ng langit umulan.351Please respect copyright.PENANAJzKSPYddRI
351Please respect copyright.PENANAQkBgZf3SSo
"Ngayon lang ako ulit nakabili." Nilapag niya sa bandang ulunan ang isang supot na laman ng iba't ibang uri ng kendi. Ang laging paboritong pasalubong ng kapatid mula sa kanya.351Please respect copyright.PENANAqTE8SkdYc5
351Please respect copyright.PENANA3kJDfy7yfl
Ikiniskis niya ang mga ngipin at walang habas na binunot ang mga nananahimik na damo sa paligid. Naiinis siya sa sarili. Kung saan pa wala na ang kanyang kapatid, ngayon lamang niya nabili ang paboritong pagkain nito.351Please respect copyright.PENANANE4to4vD0Y
351Please respect copyright.PENANAtoUlEqjVnn
Kung, nagawa niya lang nang maayos iyong 'trabaho' niya. Hindi sana tumagal ang pagbigay sa kanya ng sahod. Dapat sana matagal na niya nabili ang mga kendi.351Please respect copyright.PENANAYPhyQmja2P
351Please respect copyright.PENANAHfaV8uaW2S
Ngayon, sino na ang dadalhan niya ng pasalubong? Para saan pa ang saysay ng kanyang buhay? Para kanino pa niya ilalaan ang kanyang mga sakripisyo?351Please respect copyright.PENANA7kBfkp4Cd4
351Please respect copyright.PENANAmoEkeC2UkD
"Ikaw ba si Bazilien?"351Please respect copyright.PENANApjlGf4RJLe
351Please respect copyright.PENANAhWz4eaIB5z
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis pa sa alas-singko siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Patalon siyang umatras palayo mula sa taong ngayon niya lang nakita. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod habang nagmamatyag sa susunod na kilos ng bagong dating.351Please respect copyright.PENANA0C5tQapOqg
351Please respect copyright.PENANAEhQubkQovi
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Matalas ang kanyang tingin ngayon sa matandang lalaki. Maputi na ang mga buhok at kulobot na ang balat. Tulad ng kanya, pinagtagpi-tagpi din ng iba't ibang tela ang kasuotan nito.351Please respect copyright.PENANALaomyADRwb
351Please respect copyright.PENANAxsPLPaSD4u
"Huminahon ka, iho. Isa lang akong matandang albularyo." Bumaling ang tingin ng lolo sa lupang nakatumpok sa kanilang harapan. Napansin din nito ang supot ng mga kendi sa bandang uluhan ng puntod. "Nakikiramay ako sa iyo. Parang kailan lang noong pumunta siya sa akin-"351Please respect copyright.PENANAhoFJW5bBL0
351Please respect copyright.PENANA1Cl0vJfE4x
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sigaw ni Bazilien magmula sa kailaliman ng kanyang baga. Kinapa na niya ang patalim na nakatago lamang sa kanyang likod, sa loob ng kanyang damit.351Please respect copyright.PENANA9WJkerkqzU
351Please respect copyright.PENANAqUpwXecrkv
"Kung tungkol lang sa pagpatay, alam mo sa sarili mong marami ka ng kinitil na buhay." May kinuha ang lolo sa loob ng kanyang suot.351Please respect copyright.PENANAliiqcFBNQu
351Please respect copyright.PENANAUZWnTwlJw9
"Huh? Paanong?!" Hindi alam ngayon ni Bazilien kung saan siya magugulat at kung ano ang unang aalamin. Kung paano nasabi ng matanda ang sinabi. O, kung paano hawak nito ngayon ang manikang kuneho.351Please respect copyright.PENANAIbNL4Bqakj
351Please respect copyright.PENANAmNJnoXTPnF
"Kirarin? Bakit . . . nasayo si-?"351Please respect copyright.PENANAslZ9sRfQD4
351Please respect copyright.PENANA6DdWOB8Wls
"Hindi ba? Ikaw din ang pumatay sa sarili mong kapatid!"351Please respect copyright.PENANA1eQ2mRtqcX
351Please respect copyright.PENANAijKxPCBLDd
Natigilan siya sa kanyang mga narinig. Nanlalamig ang kanyang mga palad, at nararamdaman niya na ang pagbuo ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. 351Please respect copyright.PENANAFNqosdkSYD
351Please respect copyright.PENANAPz1Cu0nSGn
Anong pinagsasabi ng lolo na ito? Ano ang kanyang pruweba? Nagkakamali lang siya, hindi ba? Gumagawa lang siya ng kwento, tama ba?351Please respect copyright.PENANAYSWrQqdC2Z
351Please respect copyright.PENANAn5ThjqIk71
Dahil malinaw pa sa umaga niyang nakita ang malamig na bangkay ng kapatid sa kama. Kabisado niya pa ang alaalang nangyari kanina lamang umaga. Hindi na niya naabutang buhay ang kapatid. Patay na ito pagkarating niya.351Please respect copyright.PENANAvx7yFjXGCV
351Please respect copyright.PENANAdVLwAoGNgE
"H-Hindi totoo iyan! Gusto ko siyang gumaling! Gusto ko siyang mabuhay pa nang matagal!" Nasusuntok na ni Bazilien ang hangin sa kanyang pagwasiwas ng kamao. Animo'y hinahawi ang mga ito na nakaharang sa kanyang harapan.351Please respect copyright.PENANAXKYxEsYEi7
351Please respect copyright.PENANA3jIdjv9hPA
"Talaga ba? Hindi mo ba alam na presensya mo lamang ay sadyang nakamamatay na para sa kanya?!" Nagsimula ng lumakad palapit sa kanya ang lolo. Hawak nito ang manikang kuneho na pagmamay-ari ni Herne.351Please respect copyright.PENANABV85h8jrNo
351Please respect copyright.PENANA4chbUNc190
"Sinong nagsabi niyan?" Malalim ang tono ng boses ni Bazilien. Hinigpitan niya ang hawak sa patalim na nasa kanyang likod. Sumisikip na ang kanyang dibdib at dumidilim na din ang kanyang paningin.351Please respect copyright.PENANABQ2urTRsUG
351Please respect copyright.PENANAcVOQlpgTYV
"Si Herne." Iniangat pa ng matanda ang bitbit na manika para matapatan ang mga mata ng binatilyo.351Please respect copyright.PENANA2N1A0OzQdy
351Please respect copyright.PENANAFeB5GKd4Rb
"Hindi iyan totoo!" Sumisigaw na ang kanyang puso at isipan. Nanginginig na din ang kanyang mga buto sa matinding emosyong gusto ng kumawala.351Please respect copyright.PENANAsf52ZG7KQ3
351Please respect copyright.PENANAroizV7n90e
"Ang kapatid mo ang nagsabi sa akin!"351Please respect copyright.PENANA7qmiCGMQCb
351Please respect copyright.PENANA6H1EmUl8WH
"Tumigil ka na! Hindi 'yan totoo!"351Please respect copyright.PENANAFLrB7E1r61
351Please respect copyright.PENANAS7bT09VSIv
Huli na ang lahat para makaiwas pa ang matanda mula sa nagbabadyang kamatayan. Sinugod siya ni Bazilien hawak ang maduming itak hanggang sa lupa. Nanlaban pa ito para sa sarili niyang buhay, subalit hindi naging sapat ang kanyang lakas.351Please respect copyright.PENANAAG7cFnSlON
351Please respect copyright.PENANAOEr92xZzYG
"B-Balang araw, pagsi-" Lumunok muna ito saglit. Dumudugo na din ang bibig nito. "-sisihan mong . . . naging kapatid mo siya . . !" Kumapit ang matanda sa isa sa mga braso ni Bazilien. "Dahil sa-sa kanya . . ." Humigop ito ng hininga mula sa ilong. " . . . mabubuhay ka . . . mula ngayon na instrumento lamang . . . at walang ibang nais kundi . . ." Umubo ito ng dugo. ". . . tumago sa dilim!" Tumigil ito saglit para titigan sa mata ang binata. Lumuluha na ito ngayon sa kanyang harapan."Katatakutan mo ang araw ng walang hanggan!"351Please respect copyright.PENANArMGzpY7YHT
351Please respect copyright.PENANASva4YdPUrH
Sa kanyang matinding galit, idiniin pa nang husto ni Bazilien ang patalim sa leeg ng matanda.351Please respect copyright.PENANA0EcwtGtb8C
351Please respect copyright.PENANAb7iYt9SBiF
Sa huli, hindi na ito nakapagsalita pa. Naiwang dilat ang mga namumulang mata. Huminto na din ang paghinga. Hanggang sa umawas na ang malagkit at mainit na likido mula sa napuruhang leeg nito. Mabilis itong kumalat at pinintahan ng kulay pula ang basang lupa.351Please respect copyright.PENANAZ9prwOCCPk
351Please respect copyright.PENANA9QT8iUHh3m
Hindi pa siya nakuntento sa ginawa, tinadtad niya pa ang bangkay ng maraming saksak hanggang sa bumigay na ang sarili niyang braso at kamay. Kasabay ng kanyang pagtigil, ang paghinto din ng mga patak ng ulan.351Please respect copyright.PENANAqJYhASOHlE
351Please respect copyright.PENANAfDmvEw5Qpb
Tuliro at wala sa sarili siyang tumayo. Muli siyang lumapit sa puntod ng kapatid at saka lumuhod. Itinusok ni Bazilien ang itak na naliligo pa sa dugo sa supot mismo ng mga kendi, bago niya tuluyang nilisan ang lugar.351Please respect copyright.PENANAOhhQz9toaq
351Please respect copyright.PENANAutNdp1YNT6
Kasing itim at pula ng mga dugong nakapinta sa kanyang mga kamay ang buong kalangitan noong araw na iyon.351Please respect copyright.PENANAjjy15u37Sa
351Please respect copyright.PENANAZZlFC1sTE7
|351Please respect copyright.PENANAxhEn2L9yAh
351Please respect copyright.PENANAZXThhTHmzx
Author: AlienSiOtor 👽351Please respect copyright.PENANAkljagrrdBi
351Please respect copyright.PENANAdWJTvuBWVD